DAVAO CITY – Inaasahan ang expanded Anti-bullying ordinance na ipapatupad sa Davao City.
Ayon kay 3rd District Councilor Lorenzo Benjamin “Enzo” Villafuerte, ang Author ng Anti-Bullying Ordinance, na hindi lang basta ina-dopt ang RA 10627 o Anti-Bullying Act sa Anti-Bullying ordinance, kundi mas pinalawak pa ang coverage nito dito sa lungsod.
Kasama sa coverage sa ordinansa ang kindergarten, primary at secondary schools, colleges, post graduates, workplace at bullying in other public places. Upang mapalakas ang kampanya na ma-eradicate ang bullying dito sa Davao City, maglalagay ang Davao LGU ng mga anti bullying desk sa barangay o sa district hall.
Inaasahan din na i-mandato sa ordinansa ang pagbubuo ng anti bullying mechanism sa mga paaralan at workplace upang mas madaling maagapan at maresolba ang kaso.
Maliban sa pasurang pagkabilanggo at multa para sa mga hindi susunod sa nasabing ordinance, may kahaharapin din na pasura ang mga establishemento o institusyon na magpapabaya sa nangyaring bullying sa kanilang lugar.
Ang pagpasa ng nasabing ordinansa ay kasunod ng malagim na krimen na nangyari sa Maa, Langub, Davao City kung saan nauwi sa pananaksak ang pang bu-bullying ng mga trabaho sa suspek.
Sa ngayon under review pa ang nasabing ordinansa sa City Legal Office bago ito ipasa sa opisina ni Mayor Sebastian “Baste” Duterte upang mapirmahan. Tinatayang aabotin pa ng anim na buwan ang pagpapanday ng Implementing Rules and Regulation.
Umaasa naman si Konsehal Villafuerte na ang naging hakbang ng Davao City Council ay magiging basehan ng iba pang LGU o kaya ang pag-benchmark sa Anti-Bullying ordinance sa syudad.