-- Advertisements --

Mas hihigpitan pa ng South Korean government ang mga ipinatupad na patakaran sa loob at labas ng Seoul upang labanan ang lalo pang pagkalat ng coronavirus infection.

Inanunsyo ang planont ito ni Health and Welfare Minsiter Park Neung-hoo kasunod nang biglang pagtaas ulit ng kaso sa naturang bansa.

Muling nakapagtala ang South Korea ng 79 bagong kaso ng COVID-19 kung saan hinihinalang nagsimula ito sa isang logistics center malapit sa Seoul.

Hindi pa rin maaaring magbukas ang mga pampublikong pasilidad tulad ng museums at art galleries sa buong Seoul hanggang Hunyo 14.

Hinihikayat din ang mga residente sa naturang rehiyon na iwasan ang paglabas ng kanilang mga bahay lalo na kung hindi naman daw importante ang kanilang gagawin.

Inamin naman ni Park na magiging mahirap para sa kanila na ayusin ang lahat sa loob ng dalawang buwan ngunit aniya nakahanda umano ang gobyerno ng South Korea na paigtingian pa ang ginagawa nitong mga hakbang laban sa COVID-19.