Buo umano ang suporta ng Department of Transportation (DOTr) sa ginagawang hakbang ng pamahalaan upang matigil na ang graft at corruption sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Ipinag-utos na rin ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa lahat ng DOTr officials na magpasa ng kani-kaniyang Statement of Assets, Liabilities ang Net Worth (SALN) sa Department of Justice (DOJ)-led task force.
Kasama na rito ang bawat chief of staff, secretaries, executive assistansts at sinomang may koneksyon sa project management at procurement.
Nagtalaga na rin ang kalihim ng grupo at point person na siyang lilikom at magre-review ng SALN ng mga dati at bagong DOTr officials.
Mahigpit ding ipapatupad ng ahensya ang “No Gift Policy” sa kanilang mga empleyado.
Magugunita na noong Oktubre ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangunahan ang task force na magsasagawa ng imbestigasyon sa umano’y laganap na korapsyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.