Hinimok ng Citizens Crime Watch organization ang Ombusman na aksyunan na nito ang matagal ng nakabinbing kaso ng isang dating alkalde sa lungsod ng Maynila.
Kung saan nagtungo mismo ang naturang anti-crime watchdog upang kalampagin ang Obudsman na gumawa na ito ng hakbang hinggil sa reklamong graft ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
Inihain ng naturang grupo ang isang sulat na naglalaman ng mensahe o request sa Office of the Ombudsman nang sa gayon ay maisapormal nito ang kanilang hinaing at kagustuhan na maaskyunan ang sinasabing kaso.
Ang namuno sa pagsusumite ng liham ay sina Atty. Ferdinand Topacio kasama ang ilang vebdors o nagtitinda sa parte ng Divisoria, sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa panayam kay Atty. Topacio, ibinahagi nito na taong 2022 pa nasampahan ng kasong katiwalian o umano’y corrupt practices si Domagoso kabilang ang ilan pang opisyal ng lokal na pamahalaan noong siya pa ang nakaupo.
Kaugnay ito sa kanilang kinakaharap na kaso partikular sa kontrobersyal na pinaniniwalaang iligal na pagbebenta ng Divisoria Public Market sa halagang higit isang bilyon piso.
Ngunit paliwanag naman ng naturang abogado na ang hakbang na ito ay wala umanong kinalaman sa pulitika at tanging adbokasiya lamang raw nila ang mithiing maipamalas.
Kung saan pokus raw nito ang pagpapangot sa kung mapatunayang meron ang nagkasala o lumabag sa kautusan at mandato ng batas.
Mariin pa niyang iginiit na matatandang noon pang Pebrero sila naghain ng naunang sulat na kahilingang maimbestigahan na ang kaso sa pagbebenta umano ni former Manila Mayor Isko sa ari-arian ng pamahalaang lungsod.
Naniniwala kasi ang kanilang grupo na dapat ng masuri ito ng Ombudsman at matingnan ang usapin na siyang makatutulong raw na mapabuti ang mga mamamayan sa lungsod ng Maynila.