-- Advertisements --
ok sign

Itinuturing na ngayon na isang hate symbol ang “OK” hand gesture batay sa inilabas na impormasyon ng Anti-Defamation League.

Ayon sa ADL, idinagdag nila ang naturang hand gesture sa kanilang mahabang database ng mga slogan at simbolo na ginagamit umano ng mga extremists.

Tanyag ang “OK” hand gesture sa buong mundo sa kahulugan nito na ayos o tama ang lahat patungkol sa isang bagay na pinag-uusapan.

Ngunit sa kabila nito, sinabi ng ADL na nagagamit umano ang hand sign na ito sa maling paraan.

Ginawa ng ADL ang desisyong ito matapos maugnay ang hand gesture sa white nationalism na ginagamit din ng mga user sa 4chan website.

“At least some white supremacists seem to have abandoned the ironic or satiric intent behind the original trolling campaign and used the symbol as a sincere expression of white supremacy,” saad ng ADL.

May kaugnayan din ito sa Australian white supremacist na si Brenton Tarrant.

Si Tarrant ay ang suspek sa likod ng walang habas na pagpatay sa 51 katao sa New Zealand noong Marso.

“We believe law enforcement and the public needs to be fully informed about the meaning of these images, which can serve as a first warning sign to the presence of haters in a community or school,” ani Jonathan Greenblatt, chief executive officer ng ADL.