-- Advertisements --
lito atienza
Buhay Partylist Rep. Lito Atienza

VIGAN CITY – Nilinaw ng isang pro-life partylist group na hindi ang Sexual Orientation Gender Identity and Expression (SOGIE) Bill ang kanilang sinusuportahan kundi ang Anti-discrimination bill lamang.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa pagsesertipika ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Anti-Discrimination Bill bilang urgent bill, hindi ang SOGIE Bill base na rin sa paglilinaw ng Malacañang.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na malaki ang kanilang paniniwala na kahit kailan ay hindi pipirmahan ni Pangulong Duterte bilang urgent bill ang SOGIE dahil sa ilang mga probisyon nito na hindi naman katanggap-tanggap para sa lahat.

Kaugnay nito, hinimok ni Atienza ang mga miyembro ng LGBT community sa bansa na huwag na umano nilang ipilit ang gusto nilang mangyari na matanggap ng lahat na maaaring mapalitan ang kasarian ng isang tao mula sa kaniyang pagkasilang hanggang sa paglaki nito.

Aniya, naniniwala sila na mismong ang mga miyembro rin ng LGBT community ang nagdidiscriminate sa kanilang sarili dahil sa ilang mga probisyon na nakapaloob sa isinusulong nilang SOGIE bill na hindi naman maaaring mangyari dahil nagsalita na ang mayorya ng Pilipino na ayaw nila sa nasabing panukala.