-- Advertisements --

Ipinahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na ang Law Department ng komisyon ay may sinisimulan ng polisiya para sa Anti-Discrimination sa darating na panahon ng kampanya.

Ito ay mahalaga para na rin magkaroon ng paalala sa mga kandidato para sa kanilang pangangampanya na huwag mang-insulto ng tao base sa kanilang kasarian o katayuan sa buhay at pati na rin mambastos ng sino man.

Dagdag pa niya na itong polisiya na ito ay para sa pagkapantay-pantay ng tingin sa lahat ng tao sa darating na halalan.

Ibinahagi ito ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia sa naging pagpirma ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng komisyon at ng The Philippine Anti-Discrimination Alliance of Youth Leaders (PANTAY Inc.)

Samantala, hiling din ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na nawa’y mas marami pang organisasyon, katulad ng PANTAY Inc., na makipagtulungan sa komisyon para iba’t iba pang perspektibo ang nakikita para sa paghahanda sa Eleksyon 2025.