-- Advertisements --

Sinibak ng Russia ang kanilang national anti-doping agency head dahil sa akusasyon ng kurapsyon.

Mariing pinabulaanan ni Yuri Ganus ang alegasyon at kaya aniya siya tinanggal sa puwesto ay dahil sa zero-tolerance approach sa doping.

Itinalaga si Ganus noong nakaraang tatlong taon para malinisan ang Russian sports dahil sa malawakang doping scandal.

Itinakda naman sa Nobyembre ang pagdinig ng Court of Arbitration for Sports na nakabase sa Lausanne, Switzerland.