Hindi nakasama sa listahan ng Malacanang para sa mga itinuturing na priority bills ang Security of Tenure Bill o Anti-Endo Bill.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, nakaharap nila sa mini-Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting si Executive Secretary Salvador Medialdea, House Speaker Alan Peter Cayetano at iba pa.
Pero tiwala si Sotto na maaari pang madagdagan ang 22 nasa listahan ng priority measures ng Duterte administration.
Kabilang sa mga nais maisabatas ng Malacanang ang Death Penalty Bill, Department of OFW Bill at iba pang nabanggit sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak ng pinuno ng Senado na isusulong pa rin nila ang Anti-Endo Bill at hangad nilang sa pagkakataong ito ay makita na ng Presidente ang halaga ng pagsasabatas nito para sa mga manggagawa.