-- Advertisements --
Screenshot 2019 05 24 15 42 30
IMAGE | ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay

Hinamon ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) si Department of Finance Sec. Carlos Dominguez na patunayan ang pahayag nitong may negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa ang pagpasa sa Anti-Endo Bill.

Ito’y matapos makalusot na sa ikatlong pagbasa ng Senado ang panukalang batas na naglalayong tuldukan ang iligal na kontraktuwalisasyon sa Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kinontra ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay ang sinabi ng kalihim. Katunayan, magmimitsa pa raw ang panukala para mas maging produktibo sa trabaho ang mga empleyado.

“Hindi totoo na mangyayari yan (malulugi ang ekonomiya) kapag tayo ay nag-regular ng endo workers. In fact mas lalong aasenso ang ating ekonomiya dahil binibigyan mo ng incentive yung mga manggagawang endo. Ibig sabihin ini-empower mo sila na maging productive, masipag, faithful at loyal sa kanilang mga trabaho.”

Sa ilalim ng Senate Bill 1826 binigyan ng malinaw na depinisyon ng mga mambabatas ang labor-only contracting.

Ipinanukala rin ng mga ito na makatanggap ng minimum wage at social benefits ang tinatawag na mga probationary, seasonal at project workers.

Under the measure, labor-only contracting occurs when:

  • The job contractor merely supplies, recruits and places workers to a contractee;
  • The workers supplied to a contractee perform tasks/activities that are listed by the industry to be directly related to the core business of the contractee; and
  • The contractee has direct control and supervision of the workers supplied by the contractor.

Nauna ng nagbanta si Dominguez na haharangin nilang economic managers ang panukala kapag isinalang na ito sa debate ng bicam. Pero kumabig din ito di-kalaunan at sinabing susuportahan ang hakbang ng lehislatura.

“We support the President’s priority programs that will aim to protect the rights and welfare of our workers while allowing businesses to flourish in our fast-growing economy,” ani Dominguez sa isang pahayag.

Dahil ilang linggo na lang at magsasara na ang 17th Congress, umaasa ang ALU-TUCP na wala ng magiging balakid sa pagpasa ng Kongreso sa panukala bilang pangako ng pangulo para sa hanay ng mga manggagawa.

“Ito ay pangako ni Pangulong Duterte. (Still) positibo kami na kahit malapit na mag-recess, magsara yung kasalukuyang Kongreso ay magkakaroon ng security of tenure na batas.”