Muling inihain ngayon sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong tuluyan nang ipagbawal ang kontraktwalisasyon sa bansa.
Layon ng House Bill 4892 ni TUCP party-list Rep. Raymond Mendoza na tiyakin ang security of tenure ng nasa 9-milyong Pilipino na “endo” workers sa pamamagitan ng pag-amiyenda sa Labor Code of the Philippines na nagpapahintulot sa contracting at subcontracting.
Iminumungkahi ni Mendoza sa panukala nito na ipagbawal na ang lahat ng uri ng kontraktwalisasyon at fixed term employment, upang sa gayon ay mahinto na ang malawakang non-regular, non-permanent, at precarious employment practice sa bansa.
Hangga’t sa hindi aniya nagiging regular ang isang manggagawa, sinabi ni Mendoza na subject ang mga endo workrers sa “corporate impunity.”
“Endo workers experience not being paid the minimum wage, even as they go without social security, Philhealth and PAG-IBIG coverage. Further they are denied their Constitutional rights to organize and to bargain,” dagdag pa ni Mendoza.
Kaya sa kanyang panukala, nakasaad ang probisyon na nagdedeklara sa lahat ng mga manggagawa bilang regilar kabilang na ang seasonal at project workings, maliban na lamang iyong mga napabilang sa probationary status.
“Workers who are secure in the work that they do are able to perform better, because they do not have to worry about being dismissed arbitrarily. Further, these workers can now plan for their future. A strong regular workforce will also strengthen grassroots democracy and incentivize the world class productivity of our workers,” ani Mendoza.
Binigyan diin ng kongresista na makailang ulit nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maituturing injustice ang endo at maituturing ding anti-poor.