-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Umaasa ang author ng lower House version ng Security of Tenure and End of Endo Bill na maihabol ng 17th Congress ang approval ng panukala bago ang pag-adjourn ng session.

Napag-alaman na nakalusot na sa Senado ang Senate Bill 1826 samantalang 2018 pa naipasa ng Kamara ang kanilang version ng panukala.

Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay TUCP Party-list Rep. Raymond Mendoza, masaya ito na makalipas ang 21 taon, malapit nang makalusot sa Kongreso ang panukala na magbibigay ng security of tenure sa mga empleyado.

Ayon kay Mendoza, hindi bababa sa 4-milyon na empleyado sa bansa ang hindi pa nire-regular sa loob ng anim na buwan kaya wala ring silang natatanggap na mga benepsiyo.

Sa ilalim ng panukala ayon sa mambabatas, walang criminal liability ang employer na violator kundi magbabayad ito ng hanggang P5-milyong multa.

Para kay Mendoza, pagtupad ito ng pangulo sa kanyang pangako nakaraang 2016 campaigns.

Dahil dito, umaasa ang kongresista na maaprubahan ng bicameral committee ang panukala bago magtapos ang 17th Congress sa Hunyo 7 nitong taon.

Sakaling hindi maaprubahan ang panukala, ilalagay sa archives ang bill at back-to-zero ang legislative process.