Napapanahon nang amyendahan at i-update sa panahon ngayon ang anti-espionage law kasunod ng pag-aresto sa isang Chinese national na hinihinalang sangkot sa mga pangeespiya sa Pilipinas.
Sinabi ni Hontiveros na siya ay nababahala kasunod na rin ng pagkakatuklas ng underwater drones sa iba’t ibang lalawigan sa bansa at nananatiling presenya ng monster ship ng China Copast Guard (CCG) sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
Aniya, habang patuloy na pabalik-balik ang monster ship ng China sa West Philippine Sea, dapat masiguro ng gobyerno na hindi nila hahayaan na napalilibutan na tayo ng mga espiya.
Bukod sa pagkakakumpiska ng mga underwater drones, hindi pa rin aniya naaampat ang mga dating Philippine Offshore Gaming Operators o POGO na nag-iibang anyo.
Una nang kinilala ni Senate Committee on National Defense Chairman Senador Jinggoy Estrada ang agarang pangangailangang i-modernize at palakasin ang mga batas upang matugunan ang mga umuusbong na banta sa ating soberanya at seguridad.
Una rito, nanawagan ang National Security Council sa Kongreso na palakasin batas ng bansa laban sa espionage matapos maaresto ang isang Chinese national at dalawang kasamang Pilipino na umano’y sangkot sa pangeespiya