-- Advertisements --

Mahigpit ang direktiba ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief BGen. Vicente Danao, na paigtingin pa ang kampanya laban sa anumang uri ng illegal gambling sa kalakhang Maynila.


Pinaalalahanan din nito ang mga pulis hinggil sa umiiral na “No Take Policy” o tumanggap ng pera mula sa illegal drugs, illegal gambling, smuggling, sa mga tinaguriang unscrupulous businesmen at iba pang mga iligal na aktibidad.

Babala ni Danao sa mga pulis na tatanggap ng pera mula sa mga ilegal na aktibidad na mananagot ang mga ito.

Hayagan ding sinasabi ni Danao na mariin nitong kinokondena ang illegal gambling activities na isa sa mga source ng korupsiyon na nagiging dahilan din na kinakalimutan ng isang pulis ang kaniyang trabaho at mandato dahil nagpapasilaw sa pera.

Bukod sa kampanya laban sa iligal na droga, naka pokus din ang PNP sa anti-illegal gambling campaign.

Bilang resulta sa pinaigting na anti-illegal gambling operations, arestado ang tatlong indibidwal habang nasa 10 gambling machines ang nakumpiska ng mga pulis sa ikinasang anti-illegal gambling operations sa may bahagi ng Sitaw St., Barangay San Isidro, Paranaque City.


Kinilala ni Danao ang tatlong naarestong suspeks na sina Evelyn Dador, 56 years old; Erickson Albo, 41 years old; Arnold Martinez, 41 years old.

Nakumpiska mula sa mga suspeks ang walong fruit game machines at dalawang video karera.

Kasong paglabag sa anti-illegal gambling laws ang kahaharapin ng tatlong suspeks.

Pinuri naman ni Danao ang mga tauhan ng Regional Special Operations Group ng NCRPO na pinamunuan ni Capt. Maynard Pascual at Lt.Col. Melvin Montante sa kanilang matagumpay na anti-illegal gambling operations.

Binigyang-diin ni Danao na muling pinatunayan ng mga Pulis-NCRPO na ito ay maaasahan, matapat,matapang at may malasakit sa mamamayan.


” Ito rin ang bunga ng magandang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa ating mga kababayan upang mapanatili ang seguridad at maging maayos at tahimik ang ating komunidad,” wika ni BGen. Danao.