WASHINGTON, USA – Lumalabas sa pag-aaral ng mga researchers sa Amerika na walang benepisyo para makapag-pagaling ng COVID-19 patients ang isang uri ng gamot kontra malaria.
Ang kilalang anti-malaria drug na hydroxychloroquine ay isa sa mga sinusuring gamot ng experts sa ibang bansa bilang panlaban sa pandemic virus.
Sinuri ng mga researchers ang medical records ng 368 American military veterans na ginamitan ng naturang gamot, sa pamamagitan ng isang government funded analysis.
Dito nakita nilang mas mataas ang death rate ng mga gumamit ng hydroxychloroquine sa 28-percent.
Kumpara sa 22-percent death rate ng mga ginamitan ng pinaghalong anti-malaria drug at anti-biotic na azithromycin.
Habang ang death rate ng mga nakatanggap ng standard care ay 11-percent.
Ang sinuring medical records ay data ng mga beteranong namatay at na-discharge sa ospital bago ang April 11.
Kadalasan daw nire-reseta ang hydroxychloroquine sa mga may severe o malalang karamdaman.
“Hydroxychloroquine, with or without azithromycin, was more likely to be prescribed to patients with more severe illness, but the authors found that increased mortality persisted even after they statistically adjusted for higher rates of use.”
May agam-agam naman ang ilan dahil sa tila hindi umano organisadong pag-aaral.
“Other drawbacks include the fact that the study did not assign people randomly to groups, because it was a retrospective analysis meaning it looked back on what had already happened.”
“In addition, the results are hard to generalize because the population was highly specific: most of the patients were male, with a median age over 65, and black, a group that is disproportionately affected by underlying illnesses like diabetes and heart disease.”
Hindi rin daw ikinonsidera ang paggamit ng ventilators sa grupo ng mga ginamitan ng hydroxychloroquine kaya naging madali para sa researchers na i-relate ang naturang gamot sa pagkamatay ng mga pasyente.
“Previous research has found that the medicine is risky for patients with certain heart rhythm issues and can cause blackouts, seizures or at times cardiac arrest in this group.”
“Hydroxychloroquine and a related compound chloroquine have been used for decades to treat malaria, as well as the autoimmune disorders lupus and rheumatoid arthritis.”
Iba’t-ibang bansa na ang nagsimula sa clinical trial ng iba’t-ibang uri rin ng gamot para matukoy kung epektibo itong pamatay ng coronavirus.
Ang World Health Organization ay naglunsad na rin ng Solidarity Trial o malawakang clinical trial ng gamot at bakuna para sa COVID-19 patients.(AFP)