-- Advertisements --

chacha1 1

Naniniwala ang grupong August Twenty One Movement (ATOM) na hindi pa ito ang tamang panahon para amyendahan ang 1987 Constitution.

Sa huling pagkakataon na pinangunahan ng Administrasyong Marcos ang isang Constitutional Convention ay noong 1971, isang iskandalo ng panunuhol ang sumiklab.

Ang nasabing eskandalo ay inilantad ni Eduardo Quintero, isa sa mga delegado ng Con Con,kung saan inakusahan nito noon ang Unang Ginang Imelda Marcos na namumuno sa isang kampanya na magpapahintulot kay Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na iwasan ang mga limitasyon sa termino na itinakda sa 1935 Konstitusyon, at iyon ay magbibigay-daan sa kanya upang manatili sa kapangyarihan na lampas sa walong taong limitasyon na dati nang itinakda ng lumang Konstitusyon.

Ang 1971 Constitution ay nagdala sa bansa sa madilim na isang Martial Law regime.

Bagama’t hindi perpekto ang kasalukuyang Konstitusyon, hindi ito ang tamang panahon para gawing prayoridad na rebisahin ang Saligang Batas, gayong patuloy pa rin nakikipag laban ang gobyerno sa Covid-19 pandemic.

“We, the members of the August Twenty One Movement (ATOM), remain steadfast to preserve the ideals of Ninoy and committed to stand by with Democracy at all cost. As Ninoy said in an undelivered speech during his return to the country in 1983: “How shall freedom be defended? By arms when it is attacked by arms; by truth when it is attacked by lies; by democratic faith when it is attacked by authoritarian dogma. Always, and in the final act, by determination and faith.” No to Charter Change. NO TO CHA CHA!