Tiniyak ng Department of Health (DOH) na tuloy-tuloy pa rin ang kampanya ng pamahalaan kontra tigdas kahit bumaba na ang kaso nito sa nakalipas na linggo.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, pagpasok pa lang ng ikalawang linggo ng klase sa Hunyo ay sisimulan muli ng DOH ang vaccination program nito para sa mga mag-aaral.
“When we launched our outbreak response immunization the schools were on the end of school year so classes ended. We will restart our massive school-based immunization probably about two weeks when schools are formally opened,†ani Duque.
Target daw ng kagawaran na ipatupad ang programa sa mga estudyante ng Kindergarten hanggang Grade 6.
Batay sa datos ng DOH nitong Abril, nasa 11-porsyento o higit 940,000 ng target na 8.5-million grade school students pa lang ang nababakunahan kontra tigdas.
Sa ngayon nagpapatuloy ang vaccination program ng kagawaran sa mga komunidad matapos pumutok ang measles outbreak noong Pebrero.