Siniguro ng Anti-Money Laundering Council na patuloy silang gumagawa ng mga hakbang upang lebanon ang mga financial crimes o terrorism financing sa bansa.
Ginawa ng ahensya ang pahayag, kasunod ng pagkabigo ng gobyerno ng Pilipinas na maalis sa “gray list” ng Financial Action Task Force.
Sinabi ng Financial Action Task Force. na sa kabila ng mga hakbang na ginawa ng Pilipinas ay hindi pa rin ito sapat para maalis sa naturang listahan.
Kaugnay nito ay hinimok ng Financial Action Task Force ang Pilipinas na kaagad na magpatupad ng action plan upang maging epektibo ang pagbibigay ng solusyon sa naturang problema.
Kinilala naman ng Financial Action Task Force ang mga ginagawang pagsisikap ng Pilipinas upang makamit ang recommended action plan laban sa financial crime.