-- Advertisements --

Nakitaang guilty ng Korte Suprema sa gross misconduct si Presidential Adviser on Anti-poverty Larry Gadon nang dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa perjury at accusation based on hearsay O sabi-sabi.

May kaugnayan pa rin ito sa inihaing impeachment complaint ni Gadon laban kay dating de facto Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Houseof Representatives.

Bukod dito ay inakusahan din si Gadon ng pagkakasangkot sa mga paghahain ng walang basehang mga kasong kriminal laban sa ilang mga opisyal ng Korte Suprema.

Dahil dito ay inirekomenda ngayon ng Integrated Bar of the Philippines Committee on Bar Discipline na isuspinde si Gadon ng dalawang taon dahil sa ginawa nitong lying under oath noong sinabi nito noon na pineke ni Sereno ang temporary restraining order ng Korte Suprema.

In-adopt ng korte Suprema ang Findings na ito ng IBP ngunit nagsagawa rin ng ilang modification sa kaparusahan para kay Gadon.

Dahil kasalukuyan na itong disbarred mula sa pagiging abugado ay fire-record na lamang ito sa kaniyang personal file, habang pinagmumulan din siya ng hanggang Php150,000 at idineklarang ineligible para sa judicial clemency.