-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nag-isyu ng show cause order ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa dalawang executives ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Western Visayas.
Ito ay dahil hindi pa umano nabayaran ng PhilHealth ang pitong ospital sa lungsod ng Iloilo na nagkakahalaga ng P690-million.
Ang dalawang executives ay sina PhilHealth regional director Atty. Valerie Anne Hollero at Area Vice President for Area III Alfredo Pineda.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Jerry Trenas, sinabi nito na inoobserbahan niya kung magbibingi-bingihan pa rin ang PhilHealth.
Binibigyan ng seven working days ang dalawang Philhealth executives upang maipaliwanag ang pagka-delay ng bayad sa mga ospital.