![ARTA](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2022/11/ARTA.jpg)
Inumpisahan na ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang isang linggong inspection sa mga pampublikong ospital sa buong National Capital Region(NCR).
Paliwanag ni ARTA Secretary Ernesto Perez, ang isang linggong inspection ay bahagi ng kanilang pagtiyak na maayos na naipapatupad sa mga pampublikong ospital ang magaan at episyenteng serbisyo para sa kanilang mga kliyente.
Ito ay alinsunod na rin sa Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Sa ilalim ng naturang batas, inuutusan nito ang mga tanggapan ng pamahalaan na sumunod sa mga panuntunan para sa mas madali at episyenteng delivery ng government service, kasama na ang itinatakda ng anti red tape.
Sa naturang probisyon, kabilang dito ang mga pampublikong ospital.
Samantala, una namang sumalang sa on-site inspection ng Compliance Monitoring and Evaluation Office (CMEO) ng ARTA, ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI).