-- Advertisements --

Magpapakalat ng anti-riot police ang Nigeria matapos ang naganap na kilos protesta.

Sumiklab kasi ang kilos protesta matapos ang naganap na police brutality.

Nagpatupad na rin ng 24-oras na curfew sa Lagos.

Kahit na binuwag na ni President Muhammadu Buhari ang Special Anti-Robbery Squad (SARS) matapos na akusahan sila ng illegal detentions, assaults and shooting noong Oktubre 11 ay hindi pa rin kuntento ang mga protesters.

Ipinapanawagan nila ang pagbabago sa security forces ganun din ang reporma sa pagpapatakbo ng gobyerno.