-- Advertisements --

Gumamit na ng water cannons ang mga police ng Nay Pyi Taw, Myanmar laban sa mga kawani na nagsasagawa ng nationwide strike laban sa military kudeta.

Libu-libong protesters na ang nagpoprotesta sa daan kung saan pinapanawagan nito na palayain si elected leader Aung San Suu Kyi at ibalik ang demokrasya ng kanilang bansa.

Myanmar Yangon Rallies rally protests protest

Sa ngayon, nananatiling naka-house arrest pa rin si Ms Suu Kyi at senior leaders ng National League for Democracy Party (NLD), kabilang si President Win Myint.

Napag-alaman na kabilang sa mga nagprotesta ay mga guro, abogado, bank officers at government workers.

Kung maaalala, isinailalim na sa state of emergency sa loob ng isang taon ang Myanmar dahil sa nangyaring pag-agaw ng kapangyarihan ng military junta. (with report from Bombo Jane Buna)