Umapela si Department of Migrant Workers (DMW) Secertary Susan Ople sa mga mambabatas na palakasin pa ang anti-sexual harassment law para mapanagot ang mga envoy ng bansa at iba pang overseas personnel na nangha-harass sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Tinukoy ni Ople ang ilang mga kaso na kaniyang hinawakan bilang migrant worker’s advocate kung saaan may mga diplomatic officials at iba pang government personnel na naitalaga sa ibang bansa ang nagsasamantala sa mga kababaihang domestic workers na dumudulog sa embassy-run shelters.
Inihalimbawa ni Ople ang kaso ng isang ambassador na kinasuhan ng isang domestic worker dahil sa sexual harassment 10 taon na ang nakalilipas.
Subalit ang naturang kaso ay case resolved na noong nakalipas na buwan at ang naturang ambassador ay nagretiro na at ni-require lamang na magbayad ng multa sa biktima.
Kaugnay ito, umapela si Ople kay Senator Raffy Tulfo na palawigin ang saklaw ng anti-sexual harassment law at isama ang lahat ng overseas personnel ng gobyerno para mapanagot salig sa ilalim ng umiiral na batas.