Bumisita sa Pilipinas ang anti-submarine ship ng Turkey na TCG Kinaliada (F-514), isang Ada-class anti-submarine warfare corvette na ginagamit ng Turkish Navy.
Ang pagbisita nito ay bahagi ng selebrasyon sa ika-75 na anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relations sa pagitan ng Turkey at Pilipinas.
Kasabay nito ay magsasagawa ang TCG Kinaliada at ilang mga barko ng Philippine Navy ng isang joint passing exercise bilang pagbibigay-pugay sa defense cooperation ng dalawang bansa
Ang TCG Kinaliada ay unang inilunsad ng bansang Turkey noong 2017 at kinomisyon noong 2019.
Ito ang pinakahuling ADA-class navy ship na ginawa ng Istanbul Naval Shipyard sa ilalim ng MILGEM national shipbuilding program.
Naging bahagi na rin ito ng maraming mag expedition sa ibat ibang bahagi ng Asia kung saan nagawa na nitong bumisita sa 24 na pantalan mula sa 20 na bansa sa loob lamang ng apat at kalahating buwan na paglalayag nito mula sa Turkey.