-- Advertisements --

Itinanggi ng Afghan fighters na National Resistance Front (NRF) na nakubkob na rin ng Taliban militants ang maliit na probinsiya ng Panjshir Valley na natatanging lugar na hindi pa kontrolado ng Taliban.

Amrullah Saleh resistance NRF taliban
Ex-VP Amrullah Saleh of Afghanistan

Kasapi ng National Resistance Front ang mga dating miyembro ng Afghan security forces at local militias na pinamumunuan ng local tribal leader na si Ahmad Massoud.

Malaki ang naging kontribusyon ng ama ni Ahmad na gumawa ng kasaysayan sa Afghanistan matapos nitong matagumpay na matalo ang mananakop na Soviets noong 1980s at ang Taliban noong 1990s.

Sa ngayon, tila nagsisilbing huling pag-asa ng Afghanistan ang mga ito kung saan ayon kay Amrullah Saleh, isa sa mga leader ng National Resistance Front ay ang dating vice president ng Afghanistan na hindi sila susuko at patuloy nilang ipaglalaban ang bansang Afghanistan.

Pinabulaanan din ni Saleh ang kumakalat na impormasyon na tumakas ito at nilisan ang bansa.

Sa ngayon, kontrolado na ng Taliban ang ibang bahagi ng Afghanistan at inaasahang magdedeklara ng bagong gobyerno sa mga susunod na linggo.