-- Advertisements --

VIGAN CITY – Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na bigyang pansin ng Senado at Kongreso ang position paper na ipinasa nila upang mapag-aralan at ayusin ang problematic provision sa Anti-Terror Bill na sinertipikahang urgent ni Presidente Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay CHR Commissioner Atty. Jacqueline de Guia, nakapaloob sa nasabing position paper ang kanilang opinyon sa mga bagay na tinututulan nila sa panukala dahil hangad nilang maproteksyon ang interes ng publiko.

Iginiit ni de Guia na masyadong malawak ang depinisyon ng terorismo, mahaba ang panahon na pagkakakulong sa mga pinaghihinalaang terorismo, maaring maabuso ang batas at magiging malaking hamon ito sa isasagawang implementasyon ng mga otoridad upang masunod ng maayos ang panukalang batas.

Gayunman, kung maipapasa naman aniya ang panukala ay tinitiyak nito ang pagiging tapat ng CHR para gawin ang kanilang trabaho upang maayos ang kanilang pagsunod sa mandato.