-- Advertisements --

Nilinaw ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles na ang Anti-Terrorism Bill na kanilang isinusulong ay hindi kontra aktibista. 

Sinabi ni Nograles na hangad ng panukalang ito na masawata ang problema sa “violent extrimist” o terorista. 

“No, we want activism. We promote activism,” Nograles said. Ang totoo nga dito ang bill na ito, dahil sa mga aktibista. Gusto natin na yung mga aktibista mabigyan ng mga mapayapang paraan para mag-campaign ng mga reforms para sa ating bansa,” ani Nograles. 

“Ang kinakalaban ng ating panukalang batas, ang mga terrorists. Sila ang ating kalaban. And mga violent extremists and mga violent na radical,” dagdag pa nito. 

Nauna nang kinuwestiyon ng ilang grupo ang panukalang ito, na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Hunyo 1, 2020. 

Ayon sa International Coalition of Human Rights in the Philippines (ICHRP), hindi malayo na kapag maisabatas ang panukalang ito ay magiging mas marahas ang pakikitubgo sa mga kritiko dahil maari silang ituring bilang miyembro ng teroristang grupo.

“The Philippines has the longest and most militarized response to COVID-19 in the world. This terror bill, if signed into law, is a rubber stamp to already undeclared military rule and will only legalize the targeting of critics and civilians,” ani ICHRP chairperson Peter Murphy.

Samantala, sinabi naman ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL), na ang pagsasabatas sa panukalang ito ay maaring magresulya sa human rights violations at pang-aabuso ng mga otoridad sa batas.