-- Advertisements --
Nagpahayag ng interest na tumakbo bilang pangulo ng US si anti-vaccine activist at environmental lawyer Robert F. Kennedy Jr.
Isinagawa nito ang anunsiyo sa okasyon na kaniyang dinaluhan sa Boston.
Sa kaniyang talumpati ay binatikos niya ang mga pagpapasara ng mga paaralan at negosyo dahil sa coronavirus pandemic.
Iginiit nito na nagsinungaling ang gobyerno at media sa mga tao.
Ang 69-anyos na si Kennedy ay pamangkin ni dating US President John F. Kennedy at anak ni dating US attorney general at nasawi dahil sa pamamaril na noong 1968 na si presidential candidate Robert Kennedy.