-- Advertisements --

Natagpuang patay sa kaniyang selda ang Anti-virus software creator na si John McAfee.

Nakita ang bangkay na lamang nito na walang buhay ilang oras matpos na pumayag ang korte sa Spain na siya ay i-extradite sa US para harapin ang kaniyang tax evasion case.

Ayon sa Catalan Justice Department, sinubukan pang iligtas si McAfee sa pamamagitan ng pagdala ito sa pagamutan subalit hindi na nito nakayanan.

Inaresto ang 76-anyos na computer programmer noong Oktubre 2020 sa Spain matapos na akusahan ng hindi paghahain ng tax returns sa loob ng apat na taon mula sa kaniyang kita sa consulting work, speaking engagement, crypto-currencies at pagbebenta ng mga rights sa kaniyang life story.

Inakusahan din ito sa hindi pagdeklara ng kaniyang assets gaya ng mga yate at real state properties na ipinangalan sa ibang tao.