-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinalakas pa ng ilang grupo na tutol sa presensiya at panghihimasok ng tropang Kano sa Pilipinas ang kanilang pag-iingay at pagbigay impormasyon sa publiko.

Kasunod ito ng ginawang anti-war, anti-US bases congress na dinaluhan ng ibat-ibang sektor na inilunsad sa Cagayan de Oro City nitong araw.

Kabilang sa dumalo ay Herman Laurel,presidente sa Asian Century Philippines Strategic Studies Institute na kilalang tutol sa pagpapalakas ng puwersa ng Amerika sa Asya gamit ang pagiging alyado nito sa Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Laurel na mapanganib para sa pangkalahatan ang pagsang-ayon ng national government na maipasok at mai-posisyon ang typhoon missile launchers ng Amerika dahil nag-react rito ang bansang China at Rusya.

Sinabi ni Laurel na dapat alam ng Pilipinas na hindi interes nito ang isinulong ng Amerika bagkus ay lalo lang malagay sa alanganin kung sakaling lumala ang tensyon gamit ang claim issue ng West Philippin Sea.

Ginawang halimbawa nito ang pagtutol ng Rusya sa Ukraine huwag magpagamit ng Amerika at North Atlantic Treaty Organization subalit nagmatigas kaya naganap ang mag-ilang taon nang digmaan.

Ito umano ang dapat iwasan ng gobiyerno na hayagan umanong proxy war strategy ng Estados Unidos para magka-engkuwentro ang magkapitbahay na China at Pilipinas gamit ang WPS issue at pagpapasok ng mga kagamitang pandigma.