-- Advertisements --
pitt 1

Nadiskubre umano ng mga scientists sa University of Pittsburgh School of Medicine ang tinatawag na antibody na makakagawa ng gamot laban sa virus na nagdudulot ng COVID 19.

Ayon sa mga eksperto, nagawa nilang maihiwalay ang pinakamaliit na biological molecule na siyang pumapatay sa SARS-CoV-2 virus.

Ang naturang antibody component ay 10 beses na mas maliit pa sa full-sized na antibody na ginagamit sa pagbuo ng gamot na tinatawag na Ab8.

Sa report ng mga researchers na inilathala sa journal Cell ang naimbento na gamot ay masyadong epektibo sa pagpigil at pagpapapagaling sa kinapitan ng COVID-19 matapos na ma-testing sa mga daga at maging sa mga hamsters.

Nagpapakita rin umano sa pag-aaral na maaring wala rin itong side-effect sa mga tao.

Sinabi pa ng co-author na si John Mellors, chief of the Division of Infectious Diseases sa University of Pittsburg, ang naimbentong gamot na Ab8 ay potential bilang gamot sa COVID-19 at posible rin daw maging bakuna.

Sa ngayon halos 200 mga vaccine ang nadiskubre ngayon sa buong mundo ang nag-uunahan para malaman kung epektibong gamot sa deadly virus.