-- Advertisements --
Maaari nang gamitin ng Japan ang pinaka-bagong antigen test para mas mabilis na ma-detect ang mga taong positibo sa coronavirus.
Ang PCR testing ang primary method na ginagamit sa Japan para ma-detect ang COVID-19 infections ngunit sa bagong antigen test kit ay hindi kinakailangan ng expert skills upang gamitin ang bagong antigen kit.
Kaya nitong maglabas ng resulta sa loob lamang ng 30 minuto kumpara sa 4-6 hours ng PCR testing.
Magiging limitado naman ang paggamit ng naturang test kung saan prayoridad na isailalim dito ang mga healthcare workers at outpatient facilities sa Tokyo, Kanagawa, Osaka, Hokkaido at iba pang rehiyon.