-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Epektibo na ang kautusan ng lokal na pamahalaan ng Malay na kailangang sumailalim sa antigen test ang lahat ng mga manggagawa na papasok sa isla ng Boracay.

Batay ito sa ipinalabas na Executive Order No. 031 ni Malay Mayor Frolibar Bautista kasunod ng muling pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mainland Malay.

Kaugnay nito, ang mga manggagawang lalabas ng mahigit sa 12 oras sa naturang bayan ay obligadong magpakita ng antigen test result sa kanilang pagbabalik mula sa mga clinics na certified ng Municipal Health Office.

Ang sinumang magiging positibo sa antigen testing ay sasailalim sa confirmatory RT-PCR test.