-- Advertisements --
Hindi maiwasan ni Antipolo Bishop Francis De Leon na ilabas ang saloobin matapos ang tambak na basura na iniwan ng mga milyong deboto na nagsagawa ng taunang alay-lakad noong Semana Santa.
Sinabi nito na ang hindi pagtatapon ng basura sa iba’t ibang lugar ay isang uri na rin ng pagsasakripisyo.
Hindi aniya sila tumitigil sa pagpapaalala sa tamang pagtatapon ng basura.
Magugunitang maraming mga basura ang iniwan ng halos 4 milyong deboto na dumalo sa tradisyunal na alay lakad.