-- Advertisements --
Binalaan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang publiko sa pagkalat ng pekeng Facebook account na gumagamit ng kaniyang pangalan.
Sa tunay na social media account nito ay ibinahagi nito ang larawan ng social media na ginagamit ng hindi pa kilalang indibidwal.
Dagdag pa nito na ang nasabing account ay ginawa ng walang paalam sa kaniya.
Giit nito na hindi siya kailanman niya ginagamit ang kaniyang social media account para humingi ng pera.
Dahil dito ay nanawagan ito sa publiko na i-mass report ang nasabing pekeng social media account.