-- Advertisements --
Isa ng ganap na unang International shrine ang Antipolo Cathedral.
Ito ang nag-iisa hindi lamang sa Pilipinas at sa buong Southeast Asia na international shrine at pang-11 naman sa buong mundo.
Pinangunahan ni Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown ang seremonya sa 450 taon na cathedral kung saan nakalagay ang imahe ng Our Lady of Peace and Good Voyage.
Nagsimula ang elevation process sa pamamagitan ng 2023 Vatican decree.
Nagmistulang piyesta ang palibot ng simbahan maging ang Sumulong Park na katabi nito sa pagdiriwang ng mga deboto ng Virgin of Antipolo.
Mahigit 80 obispo mula sa bansa ang dumalo sa misa na pinangunahan ni Bishop Ruperto Santos at Auxiliary Bishop Nolly Buco ng Roman Catholic Diocese of Antipolo.