Idineklara ng Vatican bilang “international shrine” ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o kilalang Antipolo Cathedral sa Antipolo City.
Ayon sa Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) na ang deklarasyon na ito ay siyang kauna-unaha sa bansa na magkaroon ng international shrine, pangatlo sa Asya at pang-11 sa buong mundo.
Mismong si Bishop Francisco de Leon, ng Antipolo Diocese ang nagkumpirma ng aprubahan ng Vatican ang kanilang petisyon na maging shrine.
Ang nasabing simbahan ay siyang unang Marian International shrine sa Asya at pang-anim sa buong mundo.
Ilan sa mga international shrines ay makikita sa Jerusalem at Roma na siyang lugar ng Marian apparations gaya nina Lourdes at Fatima.
Ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage ay isa sa 27 national shrines sa bansa.
Sa Simbahang Katolika kasi ay mayroong tatlong uri ng shrines, ang Diocesan shrines na aprubado ng mga local bishop, national shrines na kinikilala ng mga bishop’s conference at international shrines na inindorso ng Vatican.