-- Advertisements --

Magsisimula bukas, Marso 25 ay opisyal ng tatawagin sa kaniyang bagong estado bilang international shrine ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.

Sinabi ng Antipolo cathedral na kanilang natanggap na ang Vatican decree sa pagdedeklara bilang international shrine at magiging epektibo ito sa Marso 25.

Ito ang unang international shrine sa bansa, pangatlo sa Asya at pang-11 sa buong mundo.

Sinabi ni Bishop Francisco de Leon na noong Hunyo 2022 ng aprubahan ng Vatican ang petition para sa maging international shrine.

Sa nasabing petsa, Marso 25 ay ang araw kung saan ang imahe ng Our Lady of Peace and Good Voyage ay umalis sa baya ng Acapulco sa Mexico at sumakay sa galleon 397 taon na ang nakakalipas.