-- Advertisements --

Patuloy na nag-aalok ng oportunidad ang lokal na pamahalaan ng Antipolo sa pamamagitan ng kanilang special employment program sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWD).

Mahigit 90,000 indibidwal na ang nabigyan ng trabaho sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nito sa Jollibee Group of Companies.

Nag-aalok ang naturang kilalang local fast food restaurant ng mga job opportunities mula sa Jollibee, Chowking, Burger King, at Greenwich, na tumatanggap pa rin ng mga kwalipikadong aplikante.

Para sa mga interesadong senior citizens applicants, sinabi ng LGU na dapat sila ay 60 years old above, at physically fit.

Para naman sa mga aplikante ng PWD, nilinaw ng lungsod na 18 hanggang 35-anyos na bingi at pipi ang tanging kwalipikado.

Dapat at least high school graduates umano ang mga ito at physically fit din.

Maaari namang isumite ng lahat ng aplikante ang kanilang mga aplikasyon sa Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod dala ang mga sumusunod na requirements:

  • Bio-Data o Resume
  • Barangay Indigency
  • Barangay Clearance
  • Photocopy ng valid ID (PWD/Senior Citizen ID o Birth Certificate)

Dagdag pa rito, ang employment period para sa PWD ay tatagal lamang ng limang buwan, habang apat na buwan naman para sa mga senior citizen.

Ang dahilan ng nasabing limitadong panahon ng pagtatrabaho ay para mabigyan din ng pagkakataon ang ibang mga aplikante na gustong magkaroon ng karanasan sa trabaho at kumita ng pera.