Target ngayon ng lungsod ng Antipolo na mabakunahan ang nasa 15,000 residente kada araw sa oras na maging available na ang mg COVID-19 vaccines.
Ayon kay Mayor Andrea Ynares, natukoy na ng lokal na pamahalaan ang 50 lugar na magsisilbing vaccination centers kung saan din ide-deploy ang 300 vaccinators.
“Ready po kami, na-identify na po namin ‘yung sites namin, 50 sites for vaccination centers and we have 300 vaccinators, tatlong vaccinators sa isang site po ‘yun,” wika ni Ynares.
“So more or less, magkakaroon kami ng 15,000 na mababakunahan per day,” dagdag nito.
Bukas na rin daw ang LGU na tumanggap ng aplikasyon para maging vaccinators sa siyudad.
Una nang naglaan ng P300-milyon ang Antipolo City para sa pagbili ng COVID-19 vaccines na gawa ng AstraZeneca.