-- Advertisements --

Posibleng aprubahan na ng Health ministry ng Japan ang antiviral drug remdesivir para magamit.

Sinabi ni Japanese Health Minister Katsunobu Kato , na kanilang pinag-aaralang mabuti ang nasabing gamot para gamitin sa mga nadapuan ng virus.

Sakaling sinang-ayunan ito ng review board ay agad niya itong aaprubahan.

Umabot na kasi sa mahigit 16,000 ang mga nadapuan ng virus habang mayroong halos 600 na ang nasawi dahil sa virus sa nasabing bansa.

Magugunitang ang nasabing gamot ay nabigyan ng emergency use authorization ng US Food and Drugs Administration para sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.