-- Advertisements --

Tatanggapin ng Philippine National Police (PNP) anuman ang magiging resulta sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa drug cases ng PNP.


Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, umaasa sila na magkaroon na ng konklusyon sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng DOJ sa homicide cases bunsod sa kanilang anti-illegal drugs operations.

Para matukoy kung sino at anong units ang nagpakita ng pag-abuso sa kanilang kapangyarihan sa panahon na ikinasa ang operasyon.

Siniguro pa ni Carlos ang buong kooperasyon ng PNP sa imbestigasyon ng DOJ at sinabing tamaan na kung Sino ang tatamaan.

Sa kabila ng kinakaharap na mga kaso ng PNP dahil sa kanilang anti-drug campaign, pagtiyak ni PNP Chief na hindi ito magiging hadlang na ipagpatuloy at palakasin pa ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Sinabi ni Carlos, sa ngayon ramdam ng mga sindikato ang pinalakas na operasyon ng PNP kontra sa iligal na droga.

Isusulong din ni PNP Chief ang isang “clean slate” sa kanilang anti-drug war.

Aniya, mahalagang magtuloy-tuloy ang kampanya kontra droga upang masustini ang tagumpay laban sa mga sindikato.

Pero sa pagkakataong ito ay aniya ay sisikapin ng PNP na hindi na maulit ang mga pagkakamali noong nakaraan.

Sinabi ng PNP Chief na tiwala siya na mapapanagot ang mga pulis na umabuso sa nagdaang kampanya kontra droga sa ginagawang imbestigasyon ng Department of Justice.