-- Advertisements --
GENERAL EDGAR AREVALO
Gen. Edgar Arevalo/ FB post

Tiniyak ng AFP na hindi magtatagumpay ang anumang tangkang pagpapatalsik sa pwesto kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo, kailanman ay hindi susuportahan ng militar ang planong destabilization batay sa inilabas na diagram ng Malacañang.

Giit ni Arevalo, natuto na ang mga sundalo sa mga unang karanasan ng mga ito.

Aniya, propesyunal na ang mga sundalo sa ngayon at hindi basta-basta naniniwala sa mga haka-haka.

Una nang sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na wala silang na-monitor na destabilization plot.

Batay sa matrix na inilabas ng Palasyo, kabilang dito ang ilang media personalities, mga kilalang atleta at pulitiko.

Dagdag pa ni Arevalo, maganda ang itinatakbo ng ating bansa ngayon at walang dahilan para mag coup de tat ang militar laban sa pangulo.

Giit pa ng heneral, naka pokus ngayon ang militar para labanan ang mga kalaban ng estado lalo na ang mga terorista at komunistang grupo.