Napinsala ng apoy ang isang apartment sa isang pribadong subdivision sa Barangay Tunasan sa Muntinlupa ngayong araw, Octubre 1.
Ayon sa Muntinlupa City Fire Station, dakong alas-10 ng umaga nang sumiklab ang sunog mula sa tatlong palapag na apartment sa St. Mary Street, Phase 2 sa Sto. Niño Village.
Itinaas ang unang alarma alas-10:02 ng umaga bago naapula ang apoy dakong alas-10:21 ng umaga.
Sa pagtataya ng mga imbestigador, nasa P800,000 na halaga ng mga ari-arian ang napinsala ng sunog kung saan naapektuhan ang isang pamilya na may limang miyembro.
Nagsimula ang apoy sa isang kwarto sa ikalawang palapag. Iniimbestigahan na ng fire station ang sanhi ng sunog.
Aabot sa kabuuang 13 fire truck, apat na ambulansya at isang rescue vehicle ang rumesponde sa insidente.