-- Advertisements --

Pinangunahan ng Philippine National Police ang inagurasyon ng bagong building sa apat na lokal na pamahalaan ng Negros Occidental.

Ayon kay Police Brig. Gen. Jack Wanky ng PRO-6 , ang naturang standard building ay itinayo sa bayan ng La Castellana , Isabela , Manapla at Himamaylan City.

Ang proyektong ito ay pinondohan ng national headquarters kung saan aabot sa P9.8 million ang inilaan para sa police station ng La Castellana at itinayo sa mahigit 1,000-square-meter na lupaing idinonate ng LGU.

Bukod dito ay halos siyam na milyong piso rin ang inilaan sa bagong tayong station sa Isabela.

Naniniwala si Gen. Jack Wanky na ang mga bagong police stations na ito ay higit pa sa isang building .

Ito aniya ay simbolo ng kanilang maayos na serbisyo at patuloy na commitment ng PNP sa rehiyon.