-- Advertisements --

Nasa mabuti nang kalagayan ang apat na bihag na na-rescue ng Israel military sa Gaza.

Ito ay matapos na makidnap ang apat na indibidwal sa Nova music festival malapit sa Israel-Gaza border noong ika-7 ng Oktubre taong 2023.

Kabilang sa mga nakalaya ay isang estudyante, security guards at kasalukuyang imigrante sa Israel.

Kinilala naman itong sina Almog Meir Jan, 22 taong gulang na nakatira sa Or Yehuda, Shlomi Ziv na 41 taong gulang, si Andrey Kozlov na may edad na 27 at residente sa Rishon LeZion, at si Noa Argamani na 25 taong gulang.

Ayon sa Israeli government, ito na ang pangatlong beses na naging matagumpay ang kanilang isinagawang rescue operation habang patuloy naman ang pagprotesta sa Tel Aviv Israel ng mga residente rito na may panawagan na palayain ang iba pang mga bihag.

Samantala, inilahad naman ng Israel Defense Forces (IDF) na inilipat na ang apat sa ‘Sheba’ Tel-HaShomer Medical Center para sa karagdagan pang medical examinations upang mas masiguro ang maayos na kalagayan ng mga ito.