Ipinagmalaki ng apat na gobernador mula sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) na ang kanilang rehiyon ay mahalagang bahagi ng Republika ng Pilipinas.
Inilabas ang pahayag noong Biyernes, sa parehong araw na tinutulan ni BARMM Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim ang panawagan para sa paghihiwalay ng Mindanao.
Binigyang-diin nina Gobernador Yshmael Sali ng Tawi-Tawi, Hajiman Hatama-Salliman ng Basilan, Mamintal Alonto Adiong Jr. ng Lanao del Sur, at Abdulraof Macacua ng Maguindanao del Norte na ang mga residente ng Bangsamoro ay “resolved not to regress but to forge ahead together as one indomitable force.”
Sinabi ng apat na opisyal na sila ay nakatuon din sa ganap na pag-unlad ng kanilang mga lalawigan at itutuloy ang kanilang pananaw sa malalim na kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
Tiniyak din ng apat na gobernador ang kanilang suporta sa administrasyong Marcos.
Inilarawan nila ang programang Bagong Pilipinas bilang isang “patotoo” sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking mararamdaman ang presensya ng gobyerno sa buong bansa