-- Advertisements --

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang apat na personalidad dahil sa pagkakasangkot nito sa ilegal na pagbebenta ng mga baril.

Kinilala ng otoridad ang mga suspect na sina Jerome V. Nuyque, Maximo G. Ayawon, Michael Douglas E. Loleng, at Nilo M. Barnacha.

Sila ay naaresto matapos ang isinagawang entrapment operation ng mga ahente ng NBI.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang ibat-ibang uri ng baril , bala at bundle ng pira.

Nag-ugat ang operasyon matapos na makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y grupo na nag ooperate sa pagbebenta ng naturang mga baril sa NCR at sa mga kalapit na lugar nito.

Nahaharap na ngayon ang apat sa kasong paglabag sa RA No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.