-- Advertisements --
Ipinadeport na ng Bureau of Immigration pabalik ng Japan ang apat na Japanese fugitives.
Ang mga ito ay sangkot umano sa ilegal na aktibidad sa kanilang bansa partikular na rito ang kaso ng fraud at pagnanakaw.
Kinilala ng mga otoridad ang apat na sina Ueda Koji, Kiyohara Jun, Suzuki Keiji, at Sawada Masaya na pinabalik sa kanilang bansa dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act.
Ayon sa BI, ang mga ito ay overstaying na at itinuturing na undesirable aliens.
Una nang naisyu ang Arrest warrants laban sa mga nasabing indibidwal sa Japan dahil sa pagkakasangkot sa mga fraudulent activities at pagnanakas.